antonette-taus-00-copy

NAPANSIN namin na parang lasing kung sumagot sa presscon ng Cinema One Originals Festivals 2016 si Rap Fernandez habang nakasuot ng dark shades, hindi masyadong naiintindihan dahil parang kinakain niya ang mga sinasabi bukod pa sa sinasabayan niya ang pagsasalita ng nagtatanong kaya naguluhan ang ibang entertainment press.

Ano nga ba ang papel ni Rap sa pelikulang Every Room Is A Planet, co-stars niya sina Valeen Montenegro at Antoinette Taus, mula sa panulat at direksiyon ni Malay Javier.

“Okay naman ang meeting namin, bagay naman daw sa akin,” malayong sagot ng aktor, at alien daw ang papel niya.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Ipinaesplika kay Rap kung anong klaseng alien siya sa pelikula.

“Ganito kasi ‘yun, we’re not alone by now, they’re out there men, you gotta believe me, napagod ako, I’m gonna miss it , ‘yung shoot were done, so nag-casting na kami,” gayong tapos na nga ang shooting, kaya nagkatawanan ang lahat ng nasa presscon.

Kaya ang diretso nang tanong kay Rap, nakainom ba siya?

“Hindi, kape!” sagot ng aktor.

Nang tanungin kung sino ang naka-love scene niya kina Valeen o Antoinette, biniro ang aktor na parang ang lakas ng loob niyang makipag-love scene gayong medyo chubby siya.

“Hindi, I have to eat donuts and drink beer kasi it’s part of the character, bumalik na ako sa dating shift, but I have to adopt pa, kailangan to gain weight for the role,” kuwento ng aktor.

Kumusta naman ang love scene niya kina Valeen at Antoinette?

“It was an honor and joy. I had blast and amazing, please watch it,” sagot niya.

Si Valeen nalang ang tinanong kung kumustang ka-love scene si Rap

“I played the role of Yanni and isang orphan and medyo mentally unstabled girl na she believes kasi that her husband got about it on the night of their wedding, so nasa inyo kung si Yanni ba ay nagsasabi ng totoo or hindi. Kaya siguro naging weird para sa inyo kasi ‘yung genre niya is paranoid fiction na may love story and sige, may love scene,” natawang kuwento ng aktres.

Totoo nga ba ang love scene nila ni Rap?

“Oo, di ba may pagmamahal? First ko actually ito,” tumawang sagot ng dalaga.

Sundot ni Rap, “’Yung location ng love scene namin is from the outer space ‘yung itsura, we use something that it looks from outer space.”

Dagdag paliwanag ni Valeen, “The movie is very visual with production design sa every room, puwede mo siyang gawing literal from the outer space, the universe. Like kunyari itong presscon natin ngayon, parang ano, asteroid belt kasi bato kayo ng bato ng questions, sagot naman kami nang sagot, so parang ganu’n.”

Dahil sa nakakakunot-noong kuwento ng mga bida ng Every Room is a Planet ay curious tuloy kaming panoorin ito para lubos naming maintindihan.

Mapapanood ang Cinema One Originals Festival 2016 simula November 14 hanggang 22 sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills at Cinematheque. (REGGEE BONOAN)