mikee-quintos-copy-copy

KABILANG si Mikee Quintos sa mga nanood ng concert ng grupong Top One Project (TOP) sa Music Museum last Friday.

Siguro naman hindi lang dahil nanliligaw kay Mikee si Louie Pedroso, isa sa members ng grupo, kaya siya nanood kundi dahil na rin sa kaibigan niya ang grupo.

Sayang nga at hindi guest si Mikee sa concert, kumakanta rin siya at may video kasama ang TOP na kumakanta na marami ang nag-like.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

‘Katuwa na kahit sa Music Museum, Lira pa rin ang tawag kay Mikee, ang pangalan ng karakter niya sa Encantadia.

Tumatak na sa kanya ang karakter at pangalan niya sa fantaserye at isa ito sa kanyang ikinatutuwa. Kahit pala sa school, Lira ang madalas itawag sa kanya at nadagdagan daw ang nagpapa-picture sa kanya.

Anyway, this Sunday na ang second episode ng “Perfect Fit” sa Usapang Real Love na tinatampukan nila ni Andre Paras.

Maganda ang Sunday show na ito ng GMA-7 dahil may participation ang netizens via video challenges.

Kaya huwag palampasin ang chance na makita sa TV kasama ang inyong idols. Ang gawin lang ay abangan ang video challenges na ipo-post ng URL sa Facebook page na UsapangRealLove at ipadala sa Facebook o pwede ring i-tweet o i-post ang video sa Twitter o Instagram. Then i-tag ang @UsapangRealLove at lagyan ng hashtag na #MagpaFANSin. Ang mapipiling video entry ay isasama sa episode at mapapanood sa TV. (Nitz Miralles)