pokwang-copy

GUSTUHIN man ni Pokwang na dedmahin na lang at huwag nang patulan ang kanyang bashers ay sumabog na rin ang galit ng komedyanang aktres. 

Sobra na rin naman kasi ang pamimintas na ginagawa sa kanya.

Inaasar nilang mukhang katulong si Pokwang at sobra pa sa aswang ang hitsura. Nakakaloka pang binanggit ng mga ito na dapat daw ay pumunta na lang si Pokwang sa Angeles at doon daw niya makikita ang mga kagaya niyang mga katulong na nagpapaalipin daw sa mga dayuhan.

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

May pera lang daw kasi si Pokwang kaya may Amerikanong boyfriend na naipagmamalaki. Subukan lang daw na mawalan ng pera si Pokwang, tiyak daw na iiwan siya ni Lee O’Brien.

Kaya hindi masisisi kung pinatulan man sila ni Pokwang.

Ibinabandera ni Pokwang ang picture nila ni Lee na super magkadikit ang mukha na kuha sa katatapos na Star Magic Ball. Gusto raw niyang ipamukha sa mga nanglalait sa kanya na maganda at masayang-masaya ang buhay pag-ibig niya.

“Well, ang masasabi ko lang sa kanila, eh, mamatay sila sa inggit. Basta ako happy lang kasama si Lee at wala silang magawa dahil mga inggitera sila,” sey ni Ms. P.

Pati ang pagsasalita at pagbigkas ni Pokwang ng English ay pinupuna, hindi raw katanggap-tanggap. Sana raw ay maintindihan muna ni Pokwang ang realidad ng buhay.

“Nakapanggigil sila pero bahala na ang Itaas sa kanila, anyway, may karma naman at naniniwala ako riyan. Kumbaga, anumang hindi magandang ginawa mo sa kapwa mo, eh, may balik ‘yan,” lahad pa ni Pokwang.

Pero hindi nag-iisa si Pokwang sa palaban sa bashers niya. Suwerte namang kakampi niya sina Dawn Zulueta, Melissa Mendez at ang fans na nagmamahal sa kanya.

“Thankful ako sa kanila,” sambit niya.

Ang ipinagtataka lang ng mga taong nagmamahal kay Pokwang ay kung bakit sobra ang galit ng bashers sa komedyanang aktres na wala namang masamang ginagawa sa kanila.