kim-copy-copy

BUMALIK na si Kim Kardashian sa shooting ng reality series na Keeping Up With The Kardashians, iniulat ng E! Network noong Miyerkules, kasunod ang matagal na pamamahinga nito sa show simula nang manakawan sa Paris noong unang bahagi ng buwan.

Inihayag ng spokesperson ng network sa isang pahayag na muling bumalik ang buong production, at kabilang na si Kim, sa shooting kasama ang kanyang pamilya. Wala pang detalye hinggil sa pagtutuunang tema ng pinakabagong season.

Hindi tumugon ang kinatawan ni Kardashian nang hingan ng komento.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Namataan si Kim, 35-anyos, sa konsiyerto ng kanyang asawa na si Kanye West sa Los Angeles noong Martes, ayon sa E!

Online at MTV.

Iniulat ng E! Online na nakita si Kim sa backstage kasama ang inang si Kris Jenner, kapatid na sina Kendal Jenner, at Kourtney Kardashian, at mga kaibigan, at mahigpit ang seguridad.

Pansamantalang tumigil ang palabas, na ikinukuwento ang buhay ng pamilya Kardashian, nang tutukan ng baril si Kim sa loob ng kanyang apartment sa Paris at pagnakawan ng mga alahas na nagkakahalaga ng $10 million. Nanahimik si Kim simula noon.

Lumabas si Khloe Kardashian sa Ellen DeGeneres show isang linggo pagkaraan ng nakawan, at sinabi niya na si Kim ay “not doing that well,” at ang insidente ay “a wake-up call” para sa kanilang pamilya. (Reuters)