kate-at-len-copy

NAGSAMPA ng diborsiyo ang asawa ni Kate Beckinsale pagkaraan ng kanilang 12 taong pagsasama.

Ayon sa record ng korte sa Los Angeles, nagsampa ang writer at direktor na si Len Wiseman ng divorce noong Biyernes.

Idinahilan ang irreconcilable differences sa hiwalayan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ikinasal ang dalawa noong Mayo 2004 at wala pang anak.

Mapapanood si Beckinsale sa malapit nang ipalabas na bagong pelikulang Underworld: Blood Wars na isa si Wiseman sa mga tumulong sa pagsusulat at pagpoprodyus. Idinirehe ni Wiseman si Beckinsale sa unang pelikula ng Underworld, na inilabas noong 2003.

Unang naibalita ang diborsyo ng celebrity website na TMZ noong Martes. (AP)