inigo-ria-at-piolo-copy

PANGARAP pala ni Ria Atayde na makatrabaho si Piolo Pascual na showbiz crush niya.

“Given a chance I want to work with him and I always tell him that,” kuwento ni Ria sa amin, “any role. Like the other day, sabi ko, ‘Kuya Pijs (tawag niya sa aktor), kung ako aalukin na makasama ka, no questions asked, yes kaagad’.

“Sabi naman niya, ‘Sure, sabi mo ‘yan, ha? Promise mo ‘yan!’ Kasi he treats me like his younger sister kasi close kami since I was young. At talagang crush ko siya noon pa at ang guwapo niya kagabi (sa Star Magic Ball), nagpa-picture pa ako sa kanya.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Si Ria ang tinanghal na Best New Female Personality at Celebrity Star of the Night sa 30th PMPC Star Awards for TV na ginanap sa Novotel Hotel noong Linggo ng gabi.

“For me, it’s already a privilege and an honor to be doing what I love to do, so, lalo na ‘yung fact na na-recognize ako para ro’n,” masayang sabi ni Ria nang kunan namin ng reaksiyon sa pagkakapanalo niya ng award sa unang pagkakataon.

Hindi ba siye pressured na parehong magaling na artista ang Kuya Arjo (Atayde) at Mama Sylvia (Sanchez) niya?

“Of course mayroong pressure, but what nice about mom and Arjo, ‘yung klase ng guidance nila sa akin, hindi ‘yung magaling kami kaya dapat maging magaling ka rin. ’Yung pressure, ginagawa nilang motivation, instead of something that would make me feel nervous and scared na hindi ko kaya,” sagot ni Ria.

Last year lang nagsimula si Ria sa showbiz at nakailang TV project na rin siya tulad ng Ningning at ng Maalaala Mo Kaya na nagpanalo sa kanya sa Star Awards, nakasama sa 100th episode ng Ipaglaban Mo at sa tumatakbong Wansapanataym na pinangungunahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Samantala, kasama sana si Ria sa pelikula nina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban na Unmarried Wife sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes under Star Cinema, pero masyadong mature at sexy ang role kaya pinalitan siya siya ni Lauren Burgos.

“Hindi po meant and it’s okay lang, baka may ibibigay na iba for me,” saad ni Ria.

Ang pressure para sa dalaga ay ang titulong ibinigay sa kanya ng Star Magic, ‘The Upcoming Dramatic Heiress.’

“Sobrang pressure po talaga, but I will give my best talaga. Sabi nga ni Mom, lahat ng gagawin ko, lahat ng iaarte ko, it’s always from the heart,” sabi ni Ria.

Congrats Ria! (Reggee Bonoan)