URDANETA CITY, Pangasinan – Sa sementeryo na sinalubong ni “Kamatayan” ang isang nasa drug watchlist ng awtoridad matapos pagbabarilin habang naglilinis ng puntod ng kaanak sa Urdaneta City Roman Catholic Cemetery sa Barangay Poblacion sa lungsod na ito.

Sa report ni Supt. Marceliano Desamito, hepe ng Urdaneta City Police, naglilinis ng nitso ng kanyang kaanak si Romeo Bilbis, alyas Manok, 50, tricycle driver, at taga-Zone 2, Bgy. Nancamaliran East, nang dumating ang apat na armado at pagbabarilin siya. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!