liza-whole-body-copy-copy

GINANAP nitong nakaraang Sabado ng gabi ang 10th Star Magic Ball sa Makati Shangri-La.

Ang Star Magic Ball ang pinakasikat at pinakaglamorosong event sa local entertainment industry, kaya lagi itong inaabangan ng showbiz fans at ng mga fashionista. 

Pinaghahandaan ito nang husto ng talents na nasa pangangalaga ng Star Magic, ang talent development and management arm ng ABS-CBN, sa tulong ng kani-kanilang paboritong fashion designers at stylists.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

 

Kaya pagdating ng ball, pawang elegante silang lumalakad sa red carpet.

Ngayong taon, agad na napatuon ang pansin ng lahat kay Liza Soberano, na napakasimple lang ng pagkakaayos ng buhok pero bumagay sa napakagaang na bukas ng kanyang mukha at sa kanyang suot na napakaeleganteng gown na likha ni Michael Cinco.

Hindi nagkamali ang mga humanga sa ayos ni Liza nang gabing iyon, dahil siya nga ang nanalo ng coveted na Best Dressed Award. 

Kinabog ng pambihirang beauty ni Liza ang lahat ng iba pang stars nang gabing iyon.

Kasama niyang dumating sa Star Magic Ball ang kanyang onscreen partner na si Enrique Gil.

Si Zanjoe Marudo ang male counterpart ni Liza sa naturang award.

Lovely couple din sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na dumalo suot ang kanilang matching outfits.

Dumating si Sam Milby na kasama ang kanyang girlfriend na si Marie Jasmine, at si Jessy Mendiola na escort ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano. 

Magkasama ring dumalo sina Bea Alonzo at Gerald Anderson na umaming dating uli pagkatapos ng pagtatambal nila sa How To Be Yours movie.

Ang iba pang kagandahan na nang-agaw ng pansin sa 10th Star Magic ay sina Kim Chiu, Kira Balinger, Elisse Joson, Ylona Garcia, Janella Salvador, Jodi Sta. Maria, Miles Ocampo, Arci Muñoz, at Erich Gonzales kasama ang kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Ang iba pang nagsidalo sa Star Magic Ball ay sina Piolo Pascual, Jericho Rosales kasama ang wife na si Kim Jones, Angelica Panganiban, Julia Barretto, Gretchen Ho, Jake Cuenca, Paulo Avelino, Jolina Magdangal kasama ang asawang si Mark Escueta, Coleen Garcia, JC de Vera, at Pokwang. (DINDO M. BALARES)