Nagtala ng 19 puntos si Love Sto. Domingo bukod sa pitong rebound upang pangunahan ang University of the East sa 53-39 panalo kontra University of the Philippines kahapon sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil sa panalo pinagtibay ng Lady Warriors ang kapit sa ikatlong puwesto taglay ang barahang 7-3 at nagpalakas din sa tsansa nilang umabot ng Final Four ngayong season.

Dahil naman sa kabiguan, lalong nabaon sa ilalim ng team standings ang sibak ng Lady Maroons (1-10).

Nanaig naman sa isa pang laro ang Adamson kontra Ateneo sa pangunguna ni Jamie Alcoy na nagtala ng 16 puntos , 65-64, sa overtime.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dahil dito, umakyat ang Lady Falcons sa ika-4 na puwesto taglay ang barahang 5-6.

Ang Ateneo, na nagtala ng kanilang season high 42 turnover, ay bumaba sa ikalimang puwesto taglay ang 4-7 marka. - Marivic Awitan