Tinatayang aabot sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang masunog ang isang bodega ng appliances sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Sa report kay Police Chief Insp. Stephen Requina ng Caloocan Fire Station, dakong 6:00 ng gabi nang mangyari ang sunog sa C-3 Road, Barangay 14 ng nasabing lungsod.

Nagsimula umano ang sunog sa bodega ng JA Herrera Appliances at mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa madamay ang 30 bahay na katabi ng bodega.

Dakong 12:56 ng umaga kahapon naapula ang apoy na umabot ng anim na oras.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

Wala namang iniulat na nasaktan at nasawi sa sunog.

Habang isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang pinagmulan ng sunog at magkano ang ari-ariang natupok. (Orly L. Barcala)