CALAMBA CITY, Laguna – Napatay ng mga pulis ang most wanted sa lungsod na ito matapos umanong manlaban habang sinisilbihan ng arrest warrant sa Barangay Barandal dito, Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Calamba City Police Office OIC Supt. Albert D. Tapulao ang napatay na si Rosano S. Lirio, 35, na pumalag umano sa pagdakip sa kanya nina SPO4 Winnie Tayactac at SPO2 Rogel Aldabe hanggang sa mapatay sa engkuwentro.

Ayon sa police record, si Tapulao ang suspek sa pagkamatay ni PO1 Alvin Asignado at pagkakasugat nina PO1 Billy Joe Corook at PO2 Jay Villanueva sa sagupaan noong Pebrero 1, 2015 sa Bgy. Parian.

Narekober ng pulisya sa lugar ng sagupaan ang isang .45 caliber pistol, limang cartridge case ng .45 caliber pistol, isang paltik, walong bukas nang plastic sachet na may hinihinalang shabu, at drug paraphernalia. (Danny J. Estacio)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder