EXCITED dumalo si Luis Manzano sa Star Magic Ball na gaganapin ngayong gabi sa Makati Shangri-La Hotel. Kahit hindi siya alaga ng Star Magic, makikisaya raw siya sa kapwa niya Kapamilya stars.

Ang biggest role siyempre niya sa sikat na showbiz event ay ang pagiging escort ni Jessy Mendiola na buong ningning na ipinahayag sa Tonight With Boy Abunda last Wednesday na siya na ang lalaking gusto nitong pakasalan.

May nakarating naman sa amin na may dalawang buwan nang magkasintahan sina Luis at Jessy, pero nang tanungin namin ang aktor hinggil dito ay natawa agad siya.

“Well, abangan n’yo na lang dahil sa Star Magic Ball ko na sasagutin lahat n’yan,” tumatawang sagot ni Luis.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tuwang-tuwa rin ang TV host/actor sa patuloy na pag-ariba sa ratings game ng game show niyang Minute to Win It. Hindi sila matalu-talo ng katapat nilang programa.

“Palaging panalo naman kami, usually, mga five to six percent. Kaya nga ipinagmamalaki ko lagi ‘yan sa IG account ko.

And at least kadalasan kami ay nasa fourth or fifth most watched show,” pagmamalaki pa sa amin ng panganay ni Cong. Vilma Santos-Recto.

Masayang-masaya rin si Luis sa tatlong nominasyon niya sa Star Awards for TV. Pabirong sabi sa amin ni Luis, siguradong personal daw niyang tatanggapin ang award kapag nanalo siya.

“Siyempre, isa ako sa mga host, kaya andu’n ako,” sey pa ng magaling at premyadong TV host. (JIMI ESCALA)