SAN PASCUAL, Batangas - Patay ang isang drug surrenderer matapos umanong pagbabarilin nang malapitan ng hindi nakilalang suspek sa San Pascual, Batangas.

Dead on arrival sa Bauan General Hospital si Alexander Vendiola Jr., 37, taga-Barangay Sambat sa naturang bayan.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:00 ng umaga nitong Miyerkules at nakatayo si Vendiola sa gilid ng kalsada ng Bgy. Sambat nang lapitan siya at pagbabarilin ng suspek.

Nabatid sa record ng pulisya na nahaharap ang biktima sa mga kasong may kinalaman sa baril at droga, at kabilang din sa mga sumukong drug personality sa San Pascual noong Agosto. (Lyka Manalo)
Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder