Magsasagawa ng prayer rally for peace bukas, Oktubre 22, ang isang pro-life youth group upang bigyang-diin na ang dignidad ng buhay ay dapat na irespeto at proteksiyunan.

Ito ay sa gitna ng awayan ng mga opisyal ng gobyerno, umano’y extrajudicial killings, at pagdami ng mga napapatay na tulak at adik sa bansa.

Ayon kay Peter Pardo, pangulo ng grupong Love+Life Philippines, ang “Love + Life prayer gathering, Filipinos at prayer for the nation: For respect and the protection of the dignity of life” ay isasagawa dakong 5:00 ng hapon sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran Church sa Parañaque City.

Naniniwala ang grupo na ang panalangin pa rin ang pinakamakapangyarihang puwersa sa lahat upang magkaroon ng social change kaya nagpasya silang magdaos ng prayer rally. (Mary Ann Santiago)

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM