BINISITA namin ang Instagram (IG) account ni Vina Morales to check kung may reaction na siya sa maaanghang na post ni Avi Siwa, ang ex-girlfriend ni Marc Lambert na boyfriend na ngayon ng singer/actress.

Pero wala pa ring reaction si Vina, puro masasayang pictures at balita tungkol sa kanila ni Marc ang ipino-post niya.

Hindi pa yata kasi natsi-check ni Vina ang kanyang IG, pero kung mababasa niya ang message ni Avi, tiyak na magre-react at magagalit siya. Paano ba naman, napaka-negative ng birthday wish nito sa kanya.

“I have a birthday wish for you... May you get the BIGGEST KARMA of your life this year and CONTINOUS KARMA in the coming years... The karma will only be taken away when you find TRUE LOVE...

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Enjoy your vacation, while having those crazy fights in between! Don’t forget to upload photos — I need it to support my petition for Proper Child Support. Kiss kiss bang bang darling:).”

Pero paano kung ang true love na tinutukoy ni Avi na dumating sa buhay ni Vina ay si Marc Lambert na? Paano kung sa kasal mauwi ang relasyon ng dalawa?

Samantala, bago umalis, nag-video muna si Vina sa ipinapagawang bahay na mas maganda, mas malaki, at tila three storey. May swimming pool ang bahay at maganda ang kitchen.

Post ni Vina sa IG: “Thankful and blessed to have parents like mine who saved my money while I was young and working, ‘buti na lang hindi maluho ang pamilya namin.”

Ang Frenchman na si Marc Lambert ay may daughter kay Avi Siwa. Pamilyar ang name ni Avi Siwa dahil naging cover siya sa isang glossy mag at naging host ng short-lived TV show na Out ng GMA-7. (NITZ MIRALLES)