Sugatan ang isang 2-anyos na lalaki nang aksidenteng pumutok ang nilalaro niyang pellet gun sa Caloocan City, nitong Martes ng hapon.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Hospital si Johnrey Gaser, ng Josepina Street, Barangay 117 ng nasabing lungsod, matapos magtamo ng tama ng bala sa leeg.

Base sa report, dakong 3:00 ng hapon, abala sa paglalaro si Johnrey nang bigla na lang umanong nag-iiyak at namilipit sa sakit.

Agad siyang pinuntahan ng nakatatandang kapatid na si John at nakitang duguan at humingi ng saklolo sa kanilang nanay.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Napag-alaman na laruan ni John ang pellet gun at naiwan sa loob ng bahay hanggang sa makuha at tuluyang pinaglaruan ni Johnrey.

Nasa maayos nang kondisyon ang biktima. (Orly L. Barcala)