kris-copy-copy

HABANG naghihintay sa live airing ng Sunday Pinasaya last weekend ay nakausap namin ang aming kakilalang taga-GMA Network na nagkuwento na mukhang may kalabuan na raw na maging Kapuso si Kris Aquino.

Ang dahilan ayon sa source namin ay ang pagharang sa Queen of All Media ng isang maimpluwensiyang tao na talagang gumawa ng paraan para maharang ang pagbabalik sana ni Kris sa GMA-7.

Banggit pa ng Kapuso insider, matagal na raw kasing may hidwaan ang pamilya Aquino at ang nasabing maimpluwensiyang tao, at ito ang rason kung bakit hindi natuloy ang nakatakda na sanang taping ng bagong show ni Kris sa GMA.

Trending

Tatlong 'akyat-bahay’, hindi inatrasan ng matapang na nanay sa India

Siyempre, may kinalaman ang pulitika sa nasabing isyu.

“Most welcome naman sa maraming Kapuso executives na mapabilang sa amin si Kris, pero mas powerful ang isang taong humarang,” sey pa ng source.

Dagdag pa ng source, sure siyang knows na ni Kris kung sino ang naturang individual, huh!

Kuwento pa ng kausap namin, kasado na sana ang programang gagawin ni Kris sa lilipatang istasyon pero hinarang nga.

“Wala siyang nagawa ngayon dahil hindi siya ang nagwagi. Pero may pag-uusap pa naman yatang mangyayari,” banggit pa ng source.

Pero mismong ang source na rin ang nagsabi na dahil sa nangyari ay mukhang nawawalan na ng gana ang Queen of All Media na gumawa ng TV show sa Kapuso Network.

“Naku, baka ang ending maging Kapamilya pa rin si Kris,” sey pa ng aming very reliable source. (JIMI ESCALA)