NADAGDAGAN ang kilig sa hapon ng mga manonood sa paglabas ng pinakabagong tambalan nina Joshua Garcia at Kira Balinger sa The Greatest Love ng Dos.

Agad kinakiligan ng televiewers ang unang pagsasama sa telebisyon nina Joshua at Kira na gumaganap bilang Z at Y.

Naging mainit din ang pagtanggap ng netizens sa kanilang kilig scenes sa serye.

“Ngayon, nasa ‘getting to know each other’ stage pa lang kami. Pero mahaba pa ang tatakbuhin ng kuwento namin, kaya marami pang kulitan at kiligan ang dapat abangan ng mga manonood,” sabi ni Joshua.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Natutuwa rin si Joshua na ikinukumpara siya kay John Lloyd Cruz.

“Masaya ako, siyempre. Sino ba namang hindi matutuwa, John Lloyd na ‘yon, eh,” tuwang-tuwang sabi ng young actor.

Kaya hindi rin maiwasan ng fans na bansagan ang love team ng dalawa bilang susunod na John Lloyd-Bea Alonzo tandem.

Samantala, malaking challenge naman para kay Kira, na una nang lumabas sa The Story of Us, ang kanyang role sa afternoon drama.

“Sobrang laki ng adjustment kasi sa The Story of Us, inglesera ako doon. Ito namang role na ito, laking kanto, Tagalog na Tagalog. Pero para rin iyon sa growth ko,” saad ng ni Kira.

Unti-unting pagtatagpuin ng tadhana ang mga landas nina Z at Y at inaabangan ng mga tagasubaybay ng serye kung paano maaapektuhan ng kanilang umuusbong na pagkakaibigan ang buhay nina Gloria (Sylvia Sanchez) at ng kanilang pamilya.

Napapanood ang The Greatest Love tuwing hapon pagkatapos ng Doble Kara sa Channel 2. (ADOR SALUTA)