Tatlong drug personality ang magkakasunod na napatay sa pamamaril nitong Lunes sa Barangay Matic-Matic sa Sta. Barbara, Pangasinan at sa Bgy. Maligaya sa Tarlac City.

Sa ulat kahapon ng Sta. Barbara Police, nakaparada ang sinasakyan ni Reynaldo Macaraeg Arenas, 54, driver, ng Bgy. Matic-Matic, nang pagbabarilin siya ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Bgy. Villa, Sta. Barbara.

Natutulog naman sa kanyang bahay nang pasukin at pagbabarilin si Joemen Macaraeg Garcia, 18, binata, obrero, ng Bgy. Matic-Matic, ng mga suspek na sakay din sa motorsiklo.

Sa Tarlac City, riding-in-tandem din ang rumatrat kay Roy Libungan, 46, may asawa, ng Bgy. Maligaya, dakong 7:30 ng gabi nitong Lunes, ayon kay Tarlac City Police Chief Supt. Bayani Razalan.
Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder