“Wala silang awa kung pumatay ng tao. Kung kailan pa nagbabagong-buhay ang asawa ko, pinatay pa nila. Diyos na lang ang uusig sa mga walanghiyang kriminal na ‘yan!”

Ito ang umiiyak na pahayag ng isang ginang matapos na pagbabarilin hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem ang mister niyang si Anthony Abada, 35, taga-General Samson Road, Caloocan City, nitong Linggo ng gabi.

Sa kuha sa CCTV, dakong 10:00 ng gabi at naglalakad pauwi si Abada ngunit pagsapit sa kanto ng General Samson ay sinalubong siya ng riding-in-tandem at pinagbabaril.

Dead on the spot ang biktima dahil sa tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Inamin ni Sara, asawa ni Abada, na dating tulak ng droga ang kanyang mister pero sumuko na ito sa pulisya ilang buwan na ang nakalilipas, at ngayon ay pinapasok magiging ang trabaho sa construction para lamang mabuhay sila sa disenteng paraan.

“Tao lang tayo at nagkakamali. Hayaan nating ituwid ang mga mali at bigyan ng pagkakataong sila ay magbago. Hindi ‘yung basta na lang papatayin na parang hayop,” ani Sara. (Orly L. Barcala)