Kapag hindi lumihis sa tinatahak na west-northwest, ang bagyong ‘Lawin’ na may international name na ‘Haima’, ay tatama ito sa Cagayan Valley o Northern Luzon.
Ito ang inihayag ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) senior weather forecaster Jori Loiz.
Inaasahang magla-landfall ang ‘Lawin’ sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga, ayon pa kay Loiz, kung saan posible umano itong maging super-typhoon o may lakas na 220 kilometer per hour.
Ngayong Martes, maulap na kalangitan at bahagyang pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Zambales at Bataan. (Ellalyn B. De Vera)