ISA sa mga inusisa kay Kiana Valenciano nang makatsikahan ng press sa kanyang contract signing sa Viva Artists Agency office last weekend ang reaksiyon niya tungkol sa kanyang Kuya Gab na laman ng entertainment news kamakailan na nahiwalay sa asawa dahil nangaliwa raw, ayon sa asawa nitong si Tricia Centenera.

“He knows that I’m here for him, I’ve told him that,” sagot ng namamalat na si Kiana. “I’ve let him know that I pray for him, and you know, people make mistakes naman kasi talaga, di ba? I think that he’s just right now doing the best that he can to make things right and all I can do talaga is just pray for him and hope that this eventually gets better for both of them.

“I mean, it’s in my heart, I hope they fix things and work things out but only time will tell,” pahayag ng bunsong Valenciano.

Klinaro rin ni Kiana na ang binabanggit na mga babaeng diumano’y idini-date ni Gab ay mga kaibigan niya, at magkakasama sila noong nakitang ka-join niya ang kuya niya sa grupo.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Ang nangyari raw ay same condominium building nakatira si Gab at ‘yung kaibigan niyang may kaarawan at dahil magkakakilala ay si Kiana mismo ang nagsabing papuntahin niya ang kuya niya na bumaba nga raw para bumati pero ilang minuto lang ay bumalik na sa unit nito dahil pagod pa sa katatapos na motocross race.

Ang kuwento naman ng kanilang ina na si Angeli Pangilinan-Valenciano sa amin, hindi raw totoong nangaliwa o niloko ni Gab ang asawa at lahat ng mga nasusulat ay exaggerations pero ayaw na ring magkomento pa ni Gab dahil unethical na magsalita siya laban sa asawa.

“Sinabihan namin si Gab na huwag nang magsalita o magpa-interview, kaya idinadaan niya lahat sa iyak, kasi marami siyang gustong ikorek,” sabi ni Angeli.

“Normal naman na nag-aaway ang mag-asawa, at sa case nila, I think more on a cultural differences kasi Australian si Tricia, di ba? So feeling ko may factor na ganu’n,” aniya pa.

Samantala, excited ang unica hija nina Gary Valenciano at Angeli sa pagpasok niya sa entertainment business.

“I’m so excited for MTV,” nakangiting pahayag ng dalaga dahil kasama sa pinirmahan niyang kontrata ang pagiging MTV VJ sa loob ng dalawang taon. “My idol before, siyempre si Ate Donita (Rose), MTV VJ siya and as a kid ginagaya ko ‘yung the way she would talk, the way she would do her hair. So now, at least, parang goal achieved na magiging VJ din ako.”

Fifteen years old pa lang si Kiana ay inalok na siyang pasukin ang showbiz, pero tinanggihan niya.

“It’s a decision that we (family) made together na ‘wag munang mag-artista at that age kasi, there’s so many things I experienced at that age na hindi ko mai-experience kung nag-showbiz ako.

“You know, I was able to hang out with friends in like a gotohan, porkchop house, mga ganu’n, as I’m going into a sari-sari store with my friends,” tumatawang kuwento ni Kiana. “And I don’t think, I would be ready at that time.

‘Yung mga ganitong questions hindi ko masasagot siguro at 15, baka I would lost siguro.”

Kung ngayong nasa tamang edad na si Kiana dumating ang naturang offer... “I think, I have to pray muna about that and then would see na lang. But I just can’t turn my head and say no because that’s a good opportunity, but I kinda wanna do my own thing first, like I wanna make my own music and make a mark first.”

Prayoridad ni Kiana ang pagkanta, tulad ng kanyang ama, kaya gusto niyang magkaroon ng album, “like I wanna do covers.”

Walang planong mag-artista ang dalaga, pero kung mabibigyan ng pagkakataon ay mas gusto niyang gumawa muna ng indie films kaysa mainstream. May pakiramdam siya na hindi pa niya kayang makipagsabayan sa mga artista.

Aminado ang dalaga na pressured siya sa malaking expectations sa kanya bilang anak nina Gary V at Angeli bukod pa sa kuya niya sina Paolo at Gab Valenciano.

Nasubukan na niyang umarte noong college days para sa short film na school project kaya kahit papaano ay may background na siya. (REGGEE BONOAN)