alden-maine-at-adn-fest-copy

“’YON pong kiss, sa wedding na lang,” nagtatawang sabi ni Alden Richards sa fans na humirit na halikan niya si Maine Mendoza sa very successful na #ALDUBNATIONFest2016 na ginanap sa SMX Convention Center sa MOA.

Sa naturang event, muling pinatunayan ng AlDub Nation na buo pa rin silang sumusuporta sa magka-love team simula pa nang magtambal sila sa kalyeserye ng Eat Bulaga noong July 16, 2015.

Pumuno sa buong SMX Convention Center ang registered 2,200 fans na three month ago pa ay nag-apply na sa mga namuno sa event. Puring-puri ng fans ang organizers dahil hindi sila nahirapang mag-follow-up ng application nila online.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kapag naaprubahan na kasi, agad nilang natatanggap ang notice kung kailan naman nila matatanggap ang kanilang tickets.

Pinuri rin nila na sa price of P500.00, sulit na sulit dahil mayroon na silang food, drinks and bottled water sa ilang oras na pananatili nila sa SMX.

Maaga pa ay nagsimula na ang registration para tapos na ito bago pa man magsimula ang event at 2:00 PM. Nalaman tuloy na marami sa AlDub Nation ang may talent din sa pagkanta at pagtugtog ng musical instruments. May mga video showing din ng important events sa buhay ng kanilang mga idolo, habang hinihintay nila ang pagdating ng kanilang special guests na maaga pa nilang inimbitahan at in-accept naman ang kanilang invitation.

Naunang dumating si Maine, kasama sina GMA Films President Annette Gozon, Direk Mike Tuviera, Rams David, Direk Pat of EB. Later na dumating si Alden dahil pagkatapos ng Sunday Pinasaya ay uma-attend pa ng Boardwalk event sa San Andres Sports Center sa Manila na malapit lamang sa MOA.

Nagpahayag si Ms. Annette ng kanyang paghanga sa patuloy na pagsuporta ng AlDub Nation kina Alden at Maine at nagbigay din ng payo na huwag daw silang maniwala sa mga sabi-sabi na hindi na magtatambal sina Alden at Maine dahil marami pang projects na naka-line-up para sa dalawa. Mauuna ang isang soap at muli silang gagawa ng pelikula.

Kaya muli niyang hinihingi ang suporta ng fans tulad ng pagsuporta nila sa dalawa sa EB at sa first movie nilang Imagine You & Me (IYAM).

Nag-announce naman si Direk Mike na malapit na ang release ng DVD version ng IYAM. Dahil sa kumakalat na balitang may special limited version ito na kasing haba ng main feature ang behind-the-scenes (BTS), mas excited ngayon ang mga ADNs sa paglabas nito.

Nang dumating si Alden, si Maine ang nagsama sa kanya sa kinaroroonan ni Lola Linda, pinsang si April, at younger sister na si Angel na ikinagulat ni Alden dahil hindi niya alam na pupunta sila roon.

Kumanta si Alden ng isa sa favorite cuts niya sa kanyang Say It Again album, ang Your Guardian Angel na alam nang dedicated niya kay Maine na kabisado na rin ang lyrics ng song ng kanyang ‘fiance’. Gustuhin man ng dalawa na magkaroon ng shot with all the fans sa kani-kanilng table, sa rami ay hindi nila nagawa kaya nag-groupie na lamang sila kasama ang mga ito.

Hindi na naman matapus-tapos ang pasasalamat ni Alden sa patuloy na suporta sa kanila ni Maine ng lahat ng AlDub Nation, sinabing sana ang nabuong friendship nila sa bawat isa sa kanila, here and abroad, ay magpatuloy pa rin.

Doon may humirit ng “kiss” na sinagot ni Alden ng “’yong kiss, sa wedding na lang” kaya nagtilian ang fans at napatawa na lamang si Maine habang akbay na ni Alden pababa sa stage. (NORA CALDERON)