NANGUNGUNA at mas pinapanood pa rin ang mga programa ng ABS-CBN sa mas mas maraming kabahayan sa urban at sa rural areas sa buong bansa sa naitala nitong average audience share na 45.6%, o 12 puntos na mas mataas kumpara sa 33.6% ng GMA simula Sept 1 hanggang Oct 13, base sa pinakahuling datos ng Kantar Media na kumakatawan sa 100% ng kabuuang viewing population sa Pilipinas.

Gumagamit ang Kantar Media ng 2,610 na kabahayan sa urban at sa rural areas sa Pilipinas sa pangangalap nito ng datos.

Namayagpag din ang ABS-CBN sa buong buwan ng Setyembre sa average national audience share na 46% sa pinagsamang urban at rural homes kontra GMA 7 na pumalo lang ng 33%.

Walo sa top ten na pinakapinanood na programa sa bansa ay mula sa ABS-CBN sa pangunguna pa rin ng FPJ’s Ang Probinsyano na may average national TV rating na 39.2%.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Namayagpag din ang ABS-CBN sa iba’t ibang areas noong nakaraang buwan kabilang ang Total Luzon kung saan nakakuha ito ng average audience share na 41% kontra GMA na may 37%; sa Total Visayas na may 55% vs GMA’s 26%; sa Total Mindanao na may 58% vs GMA’s 28%; sa Total Balance Luzon na may 49% vs GMA’s 35%; at sa Metro Manila na may 37% vs GMA’s 33%.

(Ador Saluta)