Tumimbuwang at agad na binawian ng buhay ang tinaguriang “shabu queen”, gayundin ang kanyang live-in partner na umano’y tulak din, makaraan umano silang pumalag sa operasyon kontra droga ng Quezon City Police District (QCPD) sa Novaliches, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Marlon De Vega, desk officer ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), kinilala ang mga suspek na sina Ashley Gumandar, nasa hustong gulang; at alyas “Bong”, kapwa taga-Ponciano Street corner Ditang Avenue, Novaliches.

Nabatid mula sa QCPD na parehong nasa drug watchlist ng QCPD-Station 4 (Novaliches) sina Gumandar at Bong.

Batay sa paunang imbestigasyon ng CIDU, dakong 9:00 ng gabi nitong Sabado nang isinagawa ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Task Force Group (SAID-SOTG) ang buy-bust sa bahay ng mga suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinatok ng posuer buyer ng SAID-SOTG ang bahay ng mga suspek, ngunit nakatunog umano si Bong at agad na namaril kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad at napatay ang dalawa. (Jun Fabon)