liam-at-miley-copy

NAMATAAN ang nagkabalikang magkasintahan na sina Miley Cyrus at Liam Hemsworth sa Power of Women luncheon ng Variety sa Los Angeles nitong Biyernes, ang kanilang unang public appearance na magkasama simula nang maghiwalay noong Setyembre 2003.

Pinarangalan si Miley para sa kanyang Happy Hippie Foundation, na humihimok sa kabataan “to fight injustice facing homeless youth, LGBTQ youth and other vulnerable populations.”

Kasama rin sa event sina Helen Mirren, Ava DuVernay, Scarlet Johansson, at Laverne Cox, ang unang transgender woman na pinarangalan sa event.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naging maasikaso si Liam kay Miley, saad ng nakasaksi sa entertainment magazine na Us Weekly

Nakita rin na kumukuha sila ng nakakatawang litrato na magkasama.

Naiulat na nagbakasyon ang magkasintahan sa lugar ni Liam sa Australia noong nakaraang Enero na pinagtakhan ng fans na simula ay nagtatanungan sa kanilang tunay na relasyon kaya palaging sinusubaybayan ang kanilang social media posts.

Ngayong magkasama na silang nakatira sa Malibu ay patuloy na nakaabang ang fans sa kanilang sweet na mga litrato sa Instagram.

Tila maayos nang muli ang relasyon nina Miley at Liam, at kapansin-pansin ang kanilang pagsuporta sa career ng isa’t isa. Ayon sa isang source sa Us Weekly, “Miley is always writing, drawing and making music… Liam helps out. They’re so creative.”

Ibinalita rin ng magazine na maaaring sa simbahan na ang tuloy nina Miley at Liam sa paparating na fall season.

(MB Entertainment)