sunshine-at-macky-copy

HINDI diretsahang umaamin si Macky Mathay, ang natsitsismis na boyfriend ni Sunshine Cruz, pero may pahiwatig naman ito na itinatangi nga niya ang aktres.

Masaya raw ang daily life niya dahil may isang babaeng nagpapasaya sa kanya, huh!

Ayon pa sa stepbrother ni Ara Mina, ibinigay na raw sa kanya ng Diyos ang hinihiling ng puso niya at wala na raw muna siyang mahihiling sa ngayon.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Si Sunshine Cruz siyempre ang tinutukoy ni Macky, na dating tumakbo para konsehal ng Quezon City at ngayon ay nagbabalak na tumakbo for chairman sa isang malaking barangay ng nasabing siyudad.

“Never did I think such a woman existed. My blessing along with my three children. I will keep on praying though always grateful for everything,” mensahe ni Macky.

Exclusively dating sina Sunshine at Macky pero ayon sa aktres ay hindi raw dapat unang manggaling sa kanya ang balita.

Tatlong taon nang hiwalay si Sunshine sa dating asawang si Cesar Montano, ang ama ng kanyang tatlong anak na babae.

Si Macky naman ay mahigit na isang taon nang hiwalay sa asawang si Camille Fariñas.

Pero umiiwas rin munang magkomento si Macky tungkol sa real score nila ni Sunshine. Mas makakabuti raw na pagtuunan muna niya ng pansin ngayon ang magandang blessings na natatamo niya at kasama na roon ang pagiging malapit nila ni Sunshine.

Bagamat parehong hindi pa annulled ang kasal sa kani-kaniyang ex-partners, mukhang wala na rin namang pag-asang makipagbalikan sina Sunshine at Macky sa mga ito.

Samantala, win or lose ay darating daw si Sunshine sa gaganaping Star Awards for Television sa October 23 sa Novotel. Posible kayang si Macky ang escort niya?

Sa kampo naman ni Cesar, may nauulinigan sa showbiz na nakaumang na raw ang pagiging undersecretary ng aktor sa Department of Tourism. Aprubado na raw ito ni Pres. Rodrigo Duterte. (JIMI ESCALA)