please-crop_sunshine-at-macky-lang-copy

KAHIT naglabasan ang mga maintrigang post ng ex-wife ni Macky Mathay na si Camille Fariñas ay ayaw magbigay ng kahit na anong komento ang si Sunshine Cruz.

Kahit pa sinasabing may relasyon na sila ng kapatid sa ama ni Ara Mina ay mas maganda raw na dedmahin na lang muna ito ni Sunshine.

Naging viral ang larawan nina Sunshine at Macky na magka-holding hands habang patawid ng pedestrian lane, na sa pagkakaalam ni Sunshine ay nakunan ng isang hindi rin niya kilalang guy na nagngangalang si Alvin Matias.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sa totoo lang naman, bago pa lumabas ang nasabing larawan ay knows na namin na nanliligaw kay Sunshine si Macky Mathay, na tulad ng aktres ay may tatlong anak din sa dating asawa.

Ang sinasabing bagong lovelife ni Sunshine ay aprubado naman ng maraming netizens. At kahit hindi pa annulled ang dalawa sa kani-kaniyang dating asawa ay may mga nagsasabi na bagay na bagay sila, huh!

Pati ang tatlong anak ni Sunshine ay umaasang magtutuluy-tuloy nang maging masaya ang kanilang ina.

Pero kung marami ang pumapabor ay meron din namang kung anik-anik ang mga negatibong komento kay Sunshine na pati mga anak niya ay isinasali. Nariyang tinatawag pang bold star ang aktres.

Ito ang hindi na pinalampas ni Sunshine.

“Anong klaseng tao siya para idamay pa ang mga anak ko? Hindi naman sila affected sa buhay ko, sobra siya, ha?” sey ng PMPC Star Awards best supporting actress nominee para sa seryeng Dolce Amore.

Samantala, ayaw na rin munang magkomento ni Macky Mathay na proud naman sa nominasyon ni Sunshine, ‘yun na!

(JIMI ESCALA)