Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Defense Secretary Delfin Lorenzana na huwag nang maghanda para sa bilateral exercises sa United States (US).

“I insist that we realign, that there will be no more exercises next year,” ayon kay Duterte sa 115th anniversary ng Philippine Coast Guard (PCG).

“Do not prepare, I told Defense Secretary Lorenzana. Do not make preparations for next year’s (joint exercises). I do not want it anymore and I will chart an independent foreign policy,” binigyang diin nito.

Sa kabila ng pahayag ng Pangulo na huli na ang tinapos na PHIBLEX o PH-US amphibious exercises, tiniyak naman nitong tuloy ang alyansa ng Pilipinas at US.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Sinabi ng Pangulo na dahil sinasabi ng iba na kailangan ng bansa ang US, hindi nito tuluyang wawakasan ang alyansa.

“We will maintain our military alliance because I said, they say that we need it for our defense,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa panig naman ng US government, tinitiyak nito na tuloy pa rin ang kanilang kooperasyon sa administrasyong Duterte sa lahat ng ‘mutual interest’ ng dalawang bansa, kabilang na ang counter-terrorism. (Elena L. Aben)