Bibisita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Japan sa Oktubre 25 hanggang 27, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

Ang dalawang araw na official visit ng Pangulo sa Japan ay tugon sa imbitasyon ni Prime Minister Shinzo Abe.

Bagama’t hindi idinetalye ng DFA, inaasahang tatalakayin sa pagpupulong nina Abe at Duterte ang bilateral relations at iba pang interes sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Makikipagkita rin ang Pangulo kay Japanese Emperor Akihito. (Bella Gamotea)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists