catriona-gray-copy-copy

KASADO na ang homecoming ng bagong hirang na Miss World Philippines 2016 na si Catriona Elisa Ragas Gray sa lalawigan ng Albay.

Apat na araw mananatili sa Albay -- probinsiyang pamoso sa world’s perfect cone na Mayon Volcano -- ang kakatawan ng bansa sa gaganaping Miss World 2016 sa Washington, DC sa Disyembre.

Sa itinerary ni Catriona na nasilip namin sa official Facebook page ng dating Albay governor, now a congressman ng ikalawang distrito ng probinsya na si Joey Sarte Salceda, magiging hectic ang schedule ng Bicolana beauty.

Human-Interest

Mahanap kaya? Lalaking hinahanap nawalay na biological parents, usap-usapan

Pagdating ni Catriona sa Biyernes, October 14, sa Legazpi Airport, bibigyan siya ng arrival honors ng BU Albay Magayon Dancers, BU Marching at Department of Tourism. Susundan ito ng light breakfast at media interaction sa VIP lounge ng Legazpi Airport.

Kasunod na nito ang courtesy call ng 22-year old na dalagang tubong Oas, Albay (her mother’s hometown) kay Cong. Joey na magaganap sa Ninong’s Hotel.

At around 8:15 ng umaga, gaganapin naman ang motorcade mula Legazpi hanggang Daraga. Kasunod nito ang courtesy call ng beauty queen kay Legazpi City Mayor Noel Rosal at Sangguniang Panglungsod; courtesy call sa government offices, vice-governor at miyembro ng sangguniang panglalawigan.

Kasama rin sa mga activity ni Catriona sa unang araw niya sa Albay ang pagbisita sa cancer ward for children ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH), book reading at gift giving. Dadalaw rin siya sa Aquinas University, Bicol University at iba pang eskuwelahan sa lalawigan.

Sa second day ng kanyang homecoming, dadalaw si Catriona sa mga bayan ng Oas, Guinobatan, Polangui at Camalig. Sa Oas, sasaglit siya sa ancestral home ng mga Ragas. Sa bayan ng Camalig, dadaan siya sa Bungkaras Village, ang resettlent project ni Cong. Joey, at sa Lake Sumlang.

On her third day, Catriona will take part in a photo shoot sa iba’t ibang pamosong lugar ng Albay tulad ng Ligñon Hill, Cagsawa Ruins, Legaspi Boulevard at Daraga Church (Nuestra Señora de la Porteria Parish Church).

Nakatakdang lumipad pabalik ng Maynila ang Bicolana pride sa Oktubre 17 para naman paghandaan ang nalalapit na pagsali niya sa Miss World pageant sa Amerika. (LITO MAÑAGO)