Determinado si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang walang humpay niyang kampanya laban sa droga, krimen at korapsyon.

“The latest Social Weather Stations (SWS) survey showing President Rodrigo Duterte enjoying excellent trust rating clearly affirms the Filipino people’s faith and confidence in his leadership,” ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

Ito umano ang nagpapalakas sa Pangulo para ipagpatuloy ang kanyang inumpisahan sa loob ng 100 days nito sa Malacañang.

Sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Setyembre 24 hanggang 27, 83% ng respondents ang nagsabing malakas ang tiwala nila sa Pangulo, samantala 8% naman ang may maliit na tiwala. Ang Pangulo ay nakakuha ng +76 net public satisfaction, lumiit ng 3% kumpara sa +79 trust rating na nakuha nito noong Hunyo. (Genalyn D. Kabiling)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20