sunshine-at-macky-copy

HINDI itinanggi pero hindi naman inamin ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay na ang kapalit sa puso niya ng ilang taon na rin namang hiniwalayang asawang si Cesar Montano.

Si Macky ay anak ni Chuck Mathay, ama rin ni Ara Mina, kaya magkapatid silang dalawa sa ama. Sa pagkakaalam namin ay hiwalay na rin sa asawa si Macky, huh!

Pero pinabulaanan ng source namin ang haka-haka na sa pamamagitan ni Ara nagkakilala sina Sunshine at Macky. Mismong si Macky raw ang gumawa ng paraan para mapalapit kay Sunshine.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ayon sa source namin, madalas nang lumalabas sina Sunshine at Macky bagamat hindi ganoon katagal ang closeness nila.

Ayon pa rin sa kausap namin, wala pang komento ang mga anak ni Sunshine tungkol kay Macky. Pero ang mga ito pa nga raw ang nagsasabi na panahon na para maging masaya naman ang kanilang ina.

Well, si Macky Mathay kaya ang magiging escort ni Sunshine sa darating na Star Awards for TV na nominated ang aktres sa for Best Supporting Actress para sa seryeng Dolce Amore? (JIMI ESCALA)