angel-at-sam-copy

NAGPASALAMAT kay Sam Milby ang fans ni Angel Locsin sa kanyang magagandang sinabi tungkol sa aktres na leading lady niya sa The Third Party ng Star Cinema at showing na simula bukas.

Sabi kasi ni Sam kay Angel, “You are one of the nicest person I’ve ever worked with... You are the most generous person I’ve ever met in this industry. Sobrang happy ako to work with you palagi.”

Wala pang reaction si Angel sa sinabing ito ni Sam tungkol sa kanya, pero sa presscon ng kanilang pelikula, halatang komportable sila, nagbibiruan pati si Zanjoe Marudo na isa rin sa mga bida ng pelikula ni Direk Jason Laxamana.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Anyway, masipag mag-promote sina Angel, Zanjoe at Sam sa kanilang pelikula, pero walang tatalo sa sipag ni Angel.

Halos lahat ng bago niyang post sa Instagram ay tungkol sa The Third Party.

Laughtrip ang mga eksena nilang tatlo at tiyak na masaya ang moviegoers ‘pag pinanood ito. (Nitz Miralles)