DAVAO CITY – Sinabi ni Pangulong Duterte na sisimulan na nila ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding Chairman Nur Misuari ngayong linggo ang pag-uusap upang tuluyan nang matuldukan ang ilang dekada nang insurhensiya sa Mindanao.

“Misuari is getting out of Jolo next (this) week, and we’ll begin the talks,” sinabi ni Duterte nitong Biyernes.

Binigyang-diin din ng presidente ang pangangailangang tugunan ang armadong kaguluhan sa Mindanao na pinaniniwalaan niyang nag-ugat sa makasaysayang kawalang hustisya na ginawa ng mga mananakop na Amerikano at Espanyol sa mamamayang Moro.

“Iyong Islam naman was already thriving here in Mindanao. As a matter of fact, Islam was 100 percent dito sa Mindanao because Mindanao was really part—you go to the archives of Malaysia and itong sa Indonesia, there’s a part there about the Philippines and how the missionaries came here,” sabi ni Duterte.

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba

Sinabi ni Duterte na ipinauubaya na niya sa mga pinuno ng iba’t ibang paksiyon sa MNLF—sina Misuari, Muslimin Sema at Abul Khayr Alonto, na chairman ng Mindanao Development Authority (MinDA)—ang “fix internal dynamics”, ngunit sinabing bukas naman ang tatlo na muling mag-usap-usap.

Una nang sinabi ng Presidente na inutusan na niya ang pulisya at militar na huwag aarestuhin si Misuari.

“That’s my order to the police and the military. Why? I am not a war-type president. My job is to seek peace for my land. So you have to talk to everybody,” paliwanag ni Duterte.

Sa Davao Peace Fair sa SM Ecoland noong nakaraang buwan, sinabi ni Government (GPH) peace implementing panel chairwoman, Irene “Inday” Santiago, na makakukuha ang grupo ni Sema ng dalawa hanggang tatlong upuan sa Bangsamoro Transition Commission (BTC) na ino-nominate ng gobyerno.

Ayon kay Santiago, nag-iisip sila ng “creative ways” upang mapagsama-sama ang lahat ng grupong Moro sa negosasyong pangkapayapaan. (Antonio L. Colina IV)