rosanna-copy-copy

SA nakaraang Senate hearing tungkol sa drug syndicate sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), idinawit ng isa sa mga testigo na si Nonilo Arile, isang government asset, ang pangalan ni Rosanna na kabit diumano ng isa sa mga high profile inmates na si Vicente Sy.

Gamit ang kanyang Facebook account, nilinaw ni Rosanna Roces na walang katotohanan ang paratang sa kanya ni Nonile Arile na mistress siya ng umano’y druglord ng NBP.

Sinabi ni Osang na hindi siya kabit ni Sy pero inamin niyang tagadala siya (o bugaw) ng mga babae sa high profile inmates sa NBP.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Paanong magiging mistress, eh, babae ang dinadala ko ke Enteng? Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin.

Kahit na reject pa ang babaeng dalhin ko,” pagsisiwalat ng dating boldstar.

Aniya pa, “Kung naging mistress ako, ‘di sana nabayaran ko ang P2 million na talo ko sa kaso sa GMA. Hindi na sana ako nagpapakahirap magtrabaho ngayon. Baka producer na ako. Hindi droga ang business ko sa bilibid: Monterey, taga-deliver ng karne. Isang tao lang ang kausap ko doon, iyong sinasabi nilang si Vicente Sy. Madaling magtahi ng kwento pero mahirap ang magpatunay.”

Inamin din ni Rosanna na nakapag-perform na siya sa loob ng kulungan kasama sina April Boy Regino at Selina Sevilla at doon niya nakilala ang iba pang high-profile inmates.

“Other than that wala na akong naging dahilan para bumalik. Lalo na nu’ng ang huling nadala ko palang babae ay maysakit,” pahayag ni Osang.

Tinigilan na ni Rosanba ang pambubugaw since nakipag-live-in na sa kanyang t-bird na dyowa. Inaasikaso ng dalawa ang nakatakdang kasal nila sa December sa Canada. (Ador Saluta)