Nais makita ng Migrante International kung papaano paplanuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagputol sa labor export policy ng bansa sa mga susunod na buwan.

Ayon sa Migrante, mismong overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya ay pabor na tapusin na ang ‘forced migration’.

“We expect to see his political will on ending labor export and other neoliberal policies imposed by foreign powers.

It is high time for the Duterte administration to depart from past governments’ recourse to chronically seek job markets abroad in exchange for remittances despite the ongoing global crisis and to the detriment of OFWs and their families. This cycle has got to end,” ayon kay Mic Catuira, acting secretary general ng Migrante International.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Ang grupo na binubuo ng alyansa ng OFWs sa iba’t ibang panig ng mundo, ay nagbigay ng 84 grado sa Pangulo, sa kanyang 100th day sa Malacañang.

Umaasa ang grupo sa pangako ng Pangulo na gawing mas mahusay ang Pilipinas para sa OFWs. (Leslie Ann G. Aquino)