Oktubre 8, 1919 nang maglaban-laban ang 63 eroplano sa pagsisimula ng American round-trip transcontinental air race.
Nasa kabuuang 48 eroplano ang lumisan sa Roosevelt Field sa New York, habang 15 eroplano ang naiwan sa Presidio, San Francisco, California.
Napanalunan ni Lieutenant Belvin Maynard, na dumating sa Presidio sa loob ng tatlong araw at bumalik sa Roosevelt Field sa loob ng apat na araw, ang 5,400-mile derby sa pananatili ng pinakamababang nasayang na oras. Gayunman, tatlong kalahok ang nakakumpleto ng karera ng mas mabilis.
Ipinagpipilitan ni dating General William “Billy” Mitchell na ang kagandahan at seguridad ng United States ay nakabase sa pagbuo ng superior air force. Ngunit nabigo siyang maabot ang kanyang mga hangarin sa pamamagitan ng air race.