paul-at-baby-seve-copy

NAG-POST ng black and white photo sa kanyang Instagram account (@paulsoriano1017) ang movie director at mister ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano.

Makikita sa photo na karga ni Direk Paul ang kasisilang na baby nila ng misis at titig na titig siya rito. The photo itself -- hindi man bigkasin ni Direk Paul ang kanyang nararamdaman to be a first time daddy -- speaks a thousand meanings.

Sa caption ni Direk Paul, nakalagay ang mga katagang “with my little boy, Seve. Photo by mommy @celestinegonzaga #BabySeve #SeverianoElliotGonzagaSoriano @severianoelliot.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang naturang photo ng mag-ama ay humamig na ng 56K likes at mahigit 288 comments.

Naigawa na rin ng mag-asawa ng sariling Instagram account ang kanilang panganay at may handle name itong @severianoelliot. Ang nakalagay sa bio ni Seve: “My full name is Severiano Elliot Gonzaga Soriano, you can call me Seve. My dad is Paul and my mom is Tin. I was born on Sept 30, 2016.”

As of this writing, ang IG account ng anak nina Toni at direk Paul ay meron nang 8 posts, 30.5K followers at 12 naman ang following.

Sa posts, makikita ang iba’t ibang cards na naglalaman ng congratulatory messages mula sa product endorsements at programa ng kanyang mommy sa ABS-CBN, iba’t ibang personalized pottery barn stuff mula kay ABS-CBN President & COO Carlo Katigbak, at iba pang big wigs ng Kapamilya Network.

Si Seve ay ipinanganak nitong September 30 at 5:23 AM at tumitimbang ng 7.2 lbs nang isilang ni Toni sa St. Lukes Medical Center sa Taguig City. Both mom and baby, according to Direk Paul, “are doing great and now taking it easy.”

Ikinasal sina Toni at Direk Paul noong nakaraang taon, June 12 sa Taytay United Methodist Church sa Taytay, Rizal.

More than a year after they got married, nabiyayaan na ng bouncing baby boy ang mag-asawa. (LITO MAÑAGO)