SA October 25 at 26 magaganap ang international competition na pinamagatang “20th Hair Olympics” na may temang “Beauty Showdown in Manila” ng Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association o APHCA.

Ibabahagi ng premyadong beautician at host na si Ricky Reyes ang kanilang paghahanda para sa naturang kaganapan.

Sa natapos na regional competitions sa iba’t ibang probinsiya nakilala ang ilang beauticians na umangat ang mga obra sa pagkukulay, make-up at paggupit ng buhok. Silipin ang mga ito na kanilang ibibida sa kompetisyon.

Sa magaganap na welcome party naman sa Oct. 25 para sa mga bisita mula sa ibang bansa, may mga inihandang masayang programa na tiyak na kanilang ikalulugod. Mula sa nagagandahang costumes hanggang sa mga pagkaing Pinoy, tiyak sila ay mag-i-enjoy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipagmamalaki naman ng Department of Tourism sa ating international delegates ang mga nanatanging tanawin at produktong sariling atin.

Hindi rin pahuhuli ang mga batikang fashion designer na sina Renee Salud at Albert Andrada na isusuot ang kanilang obra ng ilang mga modelo sa kompetisyon.

Para sa mga problema naman sa buhok na kinky, ang sagot ay ang Regold ng GRR Salons. Soft Wave Treatment naman ang maganda para maging bouncy at malambot ang dull hair niyo, at para sa mga kulang na sa buhok naman ay ang mga natural wigs ni Mother Ricky ang magpapabalik ng kompiyansa sa sarili.

Mga tamang lifestyle practices naman para sa kalusugan at para maiwasan ang pagkakasakit ang ibabahagi ng herbalist si Fely Guy Ong ng FGO Foundation. Ang Krystall Oil, Krystall Eye Drop at Krystall Cream na hango sa mga natural ingredients ay ilan lamang sa mga nagawa nyang gamot na mabisa sa maraming karamdaman.

Enroll na sa Ricky Reyes Learning School sa Fairview QC para sa dagdag na kaalaman at kaunlaran ng buhay.

Tumutok lang sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh ngayong Sabado (October 8) 9-10 AM sa GMA NewsTV.