mark-anthony-copy

NAHULI noong Lunes ng gabi si Mark Anthony Fernandez nang parahin sa isang checkpoint sa Angeles, Pampanga dahil sa minamanehong Mustang sports car na walang plate number sa bandang harapan.

Nang tingnan ang loob ng sasakyan ay nakita ang isang bag na may lamang isang bulto ng mga tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P15,000.

Ayon sa report ni Chief Inspector Francisco Guevara, Jr. ay biglang pinaharurot ng aktor ang sasakyan sa checkpoint kaya nagkaroon ng habulan. Naabutan nila ito sa San Fernando nang sumikip ang trapik.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

As of this press time ay nakakulong si Mark sa Station 6 ng Angeles City Police at sumailalim siya sa drug test kahapon.

Nagkakasalu-salungat ang mga deklarasyon ni Mark na umaming galing ng bahay ng kanyang inang si Alma Moreno sa Parañaque ay nagtungo siya sa Angeles para “bumili ng damo” pero hindi pa naman daw sila nagkakabilihan.

Umamin din si Mark sa mga alagad ng batas na gumagamit siya ng marijuana para makaiwas sa sakit na cancer pero itinanggi na kanya ang bulto na umaabot sa isang kilo. May naglagay lang daw niyon sa sasakyan niya.

Kapansin-pansin sa ipinost na video ng aktor habang kinakausap ng mga otoridad na tumaba siya at hindi mo aakalaing bumalik siya sa bisyo.

Hindi maganda ang mga nababasang komento ng netizens tungkol kay Mark at karamihan ay nagsasabi na inaakala nilang nagbago na ang aktor pagkatapos niyang boluntaryong sumailalim sa DOH Treatment Rehabilitaton Center, Bicutan noong 2004. Nang lumabas sa rehab ay naging aktibo ulit siya sa showbiz.

Ayon sa netizens, hindi man lamang daw inisip ni Mark ang asawa’t anak niya sa pagkakahuli niyang ito.

Samantala, wala pa ring ibinibigay na pahayag ni Alma Moreno.

Nagkakasunud-sunod na ang pagkakahuli sa mga taga-showbiz na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Nauna na rito ang Radio DJ at PBB ex-housemate na si Karen Bordador kasama ang boyfriend niyang negosyante na si Emilio Lim nitong nakaraang Abril.

Noong nakaraang linggo, nahuli naman si Sabrina M sa isang buy-bust operation at nakunan pa ng video na gumagamit ng shabu. Naaresto rin ang sexy star na si Krista Miller o Kristalyn Engle noong Linggo ng gabi sa Barangay Tiburcio de Leon, Valenzuela City nang bentahan niya ang nagpanggap na buyer ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000.

Sino pa kaya ang susunod? Sana ay magsilbing wake-up call na ito sa mga taga-showbiz na habang maaga pa ay sumuko na at magkusa nang magpa-rehab. (REGGEE BONOAN)