Prayoridad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagkuha sa serbisyo ng mga pipi’t bingi, kung saan itatalaga ang mga ito sa pagmo-monitor ng closed-circuit television (CCTV) cameras na nakalagay sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sinabi ni MMDA General Manager Thomas Orbos na ang desisyon sa pagtanggap ng manggagawang pipi’t bingi ay nakabase sa mga pag-aaral na mas malakas ang mga mata ng mga ito.

“There are studies which indicate that when a person loses one of the bodily senses, the other senses are more sensitive or heightened. Their visual acuity is sharper,” sabi ni Orbos.

Nais ng MMDA na makatrabaho ang mga indibidwal na may kapansanan sa pandinig upang ipakita na karapat-dapat sila sa ganitong trabaho.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Paglilinaw ni Orbos, kinakailangang sumailalim sa pagsasanay ang mga matatanggap sa trabaho. - Bella Gamotea