CONCEPCION, Tarlac – Umatake na naman ang kinasisindakang “Bolt Cutter Gang” at pinasok ang Sta. Cruz Elementary School sa bayang ito para nakawan ng mahahalagang gamit na aabot sa malaking halaga, nitong Sabado ng hapon.

Sa follow-up investigation ni PO2 Jose Dayrit Baluyut, isang babae at isang lalaki ang sinasabing pumasok sa paaralan at tumangay sa tatlong CPU ng computer at tatlong computer monitor.

Puwersahang sinira ng mga kawatan ang kandado sa paaralan para makapasok sa opisina ng principal na si Fatima Tulio, 36, ng Barangay San Jose, Concepcion. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog