Iginiit ni Senator Antonio Trillanes IV na walang katotohanan ang sinasabi ng Palasyo na may kinalaman siya sa paglulunsad ng kudeta laban kay Pangulong Rodrigo Duterte..

“Hindi po totoo ‘yan at wala po akong kinakausap na mga miyembro ng Liberal Party o kung sinuman ukol sa ganyang bagay. Ako po’y naniniwala na ‘yan ay panlilinlang dahil sila ay humaharap ng kaliwa’t kanang pagbabatikos,” ani Trillanes.

Nauna nang sinabi ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr., na may mga personalidad sa pangunguna ni Trillanes at ng Liberal Party (LP) na maglulunsad ng kudeta dahil hindi sila nasisiyahan sa palakad ng pamahalaan. - Leonel M. Abasola

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20