ISANG mainit na pagdiriwang ng Peñafrancia Festival ang lalo pang pinasaya ng GMA Network sa pagtungo ang mga bida ng Afternoon Prime soap na Sinungaling Mong Puso sa Naga City noong September 19.

Sa ginanap na Kapuso Mall Show sa SM City Naga Open Parking, triple kilig treat ang inihandog nina Rhian Ramos, Rafael Rosell, at Kiko Estrada sa kanilang Bicolano fans.

Extra special ang treatment na ibinigay ni Kiko sa kanyang Nagueño fans nang kantahin niya ang hit song ni Drake na Hold On, We’re Going Home. Samantala, nagayuma naman sa karisma ni Rafael ang mga manonood nang awitan niya ang I’m Yours ni Jason Mraz. Hindi naman nagpahuli si Rhian, dahil inalayan niya ang fans ng sikat na kanta ng The Chainsmokers na Roses.

Ang Kapuso comedienne na si Maey Bautista ang naging host ng nasabing Kapuso Mall Show. Hindi nagsayang ng oras si Maey sa pagbibigay ng mga sorpresa at katuwaan sa mga Bicolanong nanood.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Taos-puso namang nagpasalamat ang Kapuso stars sa mga dumalo sa kanilang mall show at nakiisa sa kasiyahan.

Ang Peñafrancia Festival ang pinakamalaking pagdiriwang ng Marian devotion. Taun-taong ginugunita ng mga Bicolano ang kapistahang ito bilang pasasalamamat kay Ina, ang tawag nila sa Our Lady of Peñafrancia.