Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

2 n.h. -- NU vs UP

4 n.h. -- UST vs FEU

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pumantay sa Ateneo sa ikalawang puwesto ang target ng National University at defending champion Far Eastern University sa pagsabak nila sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 men's basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Kasalukuyang nasa three- way tie sa ikatlong posisyon taglay ang barahang 3-2, kasama ng Adamson sa likod ng pumapangalawang Blue Eagles na may barahang 4-2.

Makakasagupa ng Bulldogs na sasalang sa unang laro ganap na 2:00 ng hapon ang University of the Philippines habang makakatunggali naman ng Tamaraws sa tampok na laro ang season host University of Santo Tomas ganap na 4:00 ng hapon.

Manggagaling ang Bulldogs sa 75-68 na panalo kontra Tigers noong Setyembre 25 habang galing sa ikalawang sunod at pang-apat na pangkalahatang pagkabigo ang Maroon .

Sa ikalawang laban, hindi makakalaro sa Tamaraws ang guard at defensive specialists na si Ron Dennison matapos patawan ng one- game suspension sanhi ng diumano'y pagkakasiko nito kay Paul Desiderio ng UP sa nakaraan nilang laro kung saan nagwagi ang Tamaraws,51-49.

Para sa Tigers, magkukumahog itong makabangon mula sa naging kabiguan sa kamay ng Bulldogs upang umangat sa taglay na barahang 2-3.

Ayon kay Tigers coach Boy Sablan, kinakailangan ng kumayod at magsipag nang husto ang kanyang mga bataan upang maging maamo ang tagumpay. (Marivic Awitan)