Hindi na nahirapan ang mga tauhan ng Intelligence Division (ID) ng Valenzuela City Police sa pagtugis sa ikapitong most wanted person sa Valenzuela City, matapos nila itong matunton sa pagkakakulong sa Romblon Provincial Jail.

Sa report ni Chief Insp. Jowilouvi Bilero, head ng ID, kay Senior Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang suspek na si Argie Sevilla, 25, ng No. 1206 Barrio Bitik, Gen. T. De Leon.

Dakong 9:00 ng umaga nitong Martes nang pinuntahan ng grupo ni Bilero si Sevilla sa Romblon Provincial Jail, matapos makakuha ng impormasyon na nakakulong ito sa lalawigan dahil sa murder.

Isinilbi naman ni Bilero ang warrant of arrest ni Sevilla sa mga opisyal ng nasabing piitan para sa attempted murder na kinahaharap nito sa Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 270, kaugnay ng pananaksak umano nito kay Jonathan Amor noong Hunyo 10, 2015.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Nabatid na nakapatay sa Romblon si Sevilla at agad na nadakip noong Mayo 2016.

Hinihintay na lang ni Bilero ang utos ng hukuman sa Romblon para agad na mailipat si Sevilla sa Valenzuela City Jail.

(Orly L. Barcala0