sam-angel-at-zanjoe-copy-copy

NAPAKAGANDA ng picture nina Angel Locsin, Sam Milby at Zanjo Marudo na ginamit sa official poster ng Star Cinema movie na The Third Party. Nakaupo ang tatlo, pero nakahiga sa lap ni Angel si Sam at sa tabi nila si Zanjoe.

Kasama nila sa cast sina Cherry Pie Picache, Al Tantay, Odette Khan, Matet de Leon, Beauty Gonzales, Maris Racal, Katrina Legaspi at Alma Moreno. Si Jason Paul Laxamana ang director ng pelikulang may gay angle at showing sa October 12.

Sa presscon, mamayang gabi na, malalaman ang mga detalye tungkol sa The Third Party at makukunan na ng reaction ang cast kung bakit parang magkapareho ang concept ng movie nila at ng pelikula rin ng Viva Films na Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend na showing naman sa October 19, mula sa direction ni Jun Lana.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Mukhang uso, kasi ganito rin ang tema nang mag-umpisa ang seryeng Till I Met You na pinagbibidahan nina James Reid, Nadine Lustre at JC Santos.

Samantala, update sa Facebook views ng teaser, umabot na ng 3,082,756 views ang The Third Party in less than 48 hours. Tiyak na madadagdagan pa ito hanggang sa showing ng movie next month. (NITZ MIRALLES)