HINDI natinag ang suporta ng mga manonood sa kilig-seryeng pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre na Till I Met You sa pamamayagpag sa ratings sa bagong timeslot nitong nakaraang linggo.

Nakatutok ang fans sa bawat nakakikilig at nakakaiyak na eksenang nina Iris (Nadine) at Basti (James) kaya nakapagtala ang Kapamilya teleserye ng average weekly nationwide rating na 18% (Setyembre 19-23), mas mataas kumpara sa katapat nitong palabas na Someone To Watch Over Me na nakakuha naman ng 11.3%, ayon sa data ng Kantar Media.

Bumuhos din ang suporta ng netizens para sa kanilang pinakapaboritong love team ayon sa inaning halos two million tweets ng official hashtag ng episode noong Miyerkules (Sept 21) na #TIMYTheRooftopKiss at manguna sa listahan ng trending topics sa Twitter.

Hindi pinalalampas ng mga manonood ang bawat episode ng naturang teleserye kaya umabot na ito sa humigit-kumulang 3.5 million views sa iWant TV mula nang umere sa telebisyon noong nakaraang buwan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa napapanood na kuwento, isang sekreto ng nakaraan ang nakasira sa pag-iibigan nina Iris at Basti nang malaman nila na naging magkarelasyon ang kanilang mga magulang na sina Cassandra (Carmina Villarroel) at Nestor (Zoren Legaspi) na nauwi sa masakit na hiwalayan.

Dahil dito, nagdesisyon si Iris na makipaghiwalay kay Basti upang hindi na lalo pang masaktan ang kanyang ina. Pero hindi susuko ang binata, ipaglalaban pa rin niya ang kanyang pagmamahal at hinabol ang dalaga bago ito umuwi sa Pilipinas.

Inaabangan kung may pag-asa pang magkaayos sina Iris at Basti. Kakalimutan na nga ba nila ang kanilang pag-iibigan?

Paano sila tutulungan ng kanilang kaibigang si Ali (JC Santos)?

Huwag palampasin ang pamamayani ng tunay na pag-ibig sa Till I Met You, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).