Iginiit kahapon ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na ibasura ang mosyon ni Senator Jose Victor “JV” Ejercito na humihiling na iurong ang petsa ng paglilitis sa kinakaharap na kasong malversation.

Paliwanag ng Office of the Assistant Prosecutors, walang merito ang mosyon ni Ejercito kung kaya’t nararapat lamang itong ibasura.

Tinukoy ng Ombudsman na noong nakalipas na pagdinig ay pumayag na ang legal counsel ng Senador at ng siyam pa nitong kasamahang akusado na ipagpaliban na ang presentation of evidence ng panig ng prosekusyon upang pagsabayin na ang paglilitis sa iba pang akusadong hindi pa nareresolba ang mga iniharap na mosyon.

“No objection was raised by them when this Honorable Court made the Order in open court setting the initial trial dates on November 22 and 23, 2016. In fact, they were amenable to such trial dates. Accused-movants were likewise present during the said hearing,”paliwanag ng prosekusyon.

National

Hontiveros, umaasang wala nang ‘another Alice Guo’ na tatakbo sa 2025

Nag-ugat ang kaso ni Ejercito sa umano’y maanomalyang pagbili ng San Juan City government ng P2.1 milyong halaga ng mga baril sa panahon nito bilang alkalde ng lugar noong 2008. (Rommel P. Tabbad)